Pages

Happy Anniversary Baby!


** THIS IS BASE ON TRUE LIFE EXPERIENCE **

 Ako = Nick
Babae = Princess
Ang lalaking epal = Mark 

--------------------------------------------------------------

Isang araw habang nag da-date sila Nick at Princess

Sabi ni Nick

" Ummm... Baby ... " 

Sabi ni Princess

" Bakit po? "

 Sabi ni Nick
" Aalis po ako... "

Sabi ni Princess 

" Huh? Why? Gano katagal? "

Sabi ni Nick 

" May nangyaring masama daw sa Mom ko sa States, kaylangan namin siya alagaan "

Sabi ni Princess

" Gano po katagal? "

Sabi ni Nick

" Mga 1 month po... "

Biglang umiyak si Princess, Tumayo at tumakbo palayo, Hinabol siya ni Nick..

Sinigaw ni Nick

" Baby please... Please wag ka naman ganito sakin! " 

Sabi ni Princess

" Bakit baby? May possibility na may makita kang iba dun .. " 

Sabi ni Nick

" Oo nga baby, may makikita akong iba. Pero what's the use kung ikaw lang ang laman nang puso ko? "

Tumigil sa pag iyak si Princess, pinunasan ni Nick ang luha ni Princess then yinakap siya.

 Sabi ni Nick

" Baby, Ikaw lang ang mahal, minahal, minamahal at mamahalin habang buhay! tandaan mo yan. "
Sabi ni Princess 

" Opo baby. "
Sabi ni Nick

" Baby, I have to go.. "
Umiyak ulit si Princess 

Sabi ni Princess 
" Okie po Baby, Bumalik ka agad ha? "


Sabi ni Nick

" Opo baby, Babalik po agad ako! " 

Sabi ni Princess

" Aasahan ko po yan baby! "

Nag paalam na sila sa isa't isa, Yinakap nang mahigpit ni Nick si princess at hinalikan ito for the last time.
 ** AFTER A MONTH **

Napaisip si Nick

" Hmmm.. Alam ko na! Su-supresahin ko na lang ang baby ko! Hindi ko sasabihin sakanya na pauwi na ako sa Pinas! Pero teka, ano kaya maganda? Ang mga rosas na tinanim ko, or a boquet of flowers na mabibili lang sa flower shop? Hmmm... Siguro ung mga rosas na tinanim ko kasi mas may effort... Tama, Yun na lang! Tapos bibili din ako nang MALAKING TEDDYBEAR! "

Hindi nagtagal at nakauwi na si Nick sa Pinas, nagmadali itong pumunta sa School nila upang supresahin ang kanyang Girlfriend na si Princess. 

Hindi inaasahan na makikita agad ni Nick si Princess sa tambayan nila, NGUNIT may kasama si  princess na ibang lalaki, magkaholding hands at nakasuot nang couple shirt. nakita ni Princess si Nick, at nakita din ni Nick si princess. 
Nabagsak ni Nick ang Teddy bear pati ang mga rosas na dapat ibibigay niya kay Princess.

Sabi ni Nick

" ANONG IBIG SABIHIN NITO?!?! "

Sabi ni Princess 

" Baby Please, I can explain. "
Sabi ni Nick

" Go. "

Sabi ni Princess

" Mark promised me na papasayahin nya ... "
Sabi ni Nick

" So hindi ka pala masaya sa piling ko? "

Sabi ni Princess

" Syempre Masaya! "
Sabi ni Nick

" Ah talaga? Kung talagang masaya ka sa piling ko, dapat hindi ka na naghanap nang iba, kung talagang mahal mo ako, dapat hindi mo na siya minahal, kung mahal mo talaga ako, Sana naghintay ka na lang! Alam mo ba kung gano kahirap manatili dun sa states nang hindi kita makasama, makausap, o kahit makita man lang? Alam mo ba kung gano kasakit un? Tiniis ko lahat para sayo, tas ito lang isusukli mo sakin? "

Tumulo ang luha ni Nick, Tumalikod at naglakad palayo. Hinabol siya ni Princess at hinawakan sa kamay at hinatak palapit sakanya

Sabi ni Nick

" Itigil na natin. Ayoko nang masaktan. Ayoko nang Umasa. Ayoko nang Maniwala pa sa mga pinagsasabi mo. Ayoko nang maniwala pa na mahal mo ako! "

Umiyak bigla si Princess, Tumakbo palayo si princess, Hinabol siya ni Nick pero hindi niya mahabol. Sa hinding inaasahan na pagkakataon, may kotse na malapit na sa kinaroroonan ni Princess, Binilisan ni Nick ang pagtakbo, Naabutan na ni Nick si Princess, Tinulak ni Nick si Princess upang hindi mahagip/masagasaan nang Kotse.

Nasagasaan na si Nick. Tumakbo si Mark upang tingnan kung ano ang lagay ni Nick at ni Princess
Maayos naman ang lagay ni Princess ngunit Malala na ang sitwasyon ni Nick at hindi na tatagal, Lumapit si Princess kay Nick.

Sabi ni Princess 

" Baby, Bakit mo ginawa yun?!?!?! "

Sabi ni Nick

" Dahil ayokong mawala ang katanging-tanging babae na nagpaligaya sakin, ang katanging-tanging babae na nagmahal sakin, ang katanging-tanging babaeng minamahal ko. Mahal na mahal kita, at handa akong isugal ang buhay ko para sayo masigurado ko lang na ligtas ka. Napatunayan ko na rin kung gano kita kamahal. I'm sorry baby, Bilang na ang mga oras ko, Hindi na ako tatagal. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. habang buhay kita babantayan at sisiguraduhin kong ligtas ka. I love you so much baby! "

Binawian na nang buhay si Nick. Umiyak si Princess. Kinuha ni princess ang mga rosas at teddy bear na dapat ibibigay ni Nick sakanya, sa hindi inaasahan, may nakasingit na Papel dun sa mga rosas/


" Hey baby, Its me! I'm back for good. Hindi na ulit kita iiwan, I promise! Alam mo ba kung gano kita namiss? Nahirapan ako dun sa states, hindi kita makausap, makita, kinakabahan ako araw-araw kasi baka may masamang nangyayari sayo.. I love you so much baby! Happy 2 Years anniversary! "
" Nick Dela Cruz
Born: December 15 1994
Died: February 25 201 "

Namatay si Nick sa Second anniversary nila ni Princess, Exactly 4:25 PM. Sobrang nalungkot si Princess.

After a month nung accident, May nagtangkang mangholdap kay Princess ngunit Bigla na lang to Nahimatay sa Hindi malaman na dahilan.

Bumalik sa isip ni Princess ang sabi ni Nick

" Dahil ayokong mawala ang katanging-tanging babae na nagpaligaya sakin, ang katanging-tanging babae na nagmahal sakin, ang katanging-tanging babaeng minamahal ko. Mahal na mahal kita, at handa akong isugal ang buhay ko para sayo masigurado ko lang na ligtas ka. Napatunayan ko na rin kung gano kita kamahal. I'm sorry baby, Bilang na ang mga oras ko, Hindi na ako tatagal. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. habang buhay kita babantayan at sisiguraduhin kong ligtas ka. I love you so much baby! "
Napaluha si Princess, Nagsisisi sa mga ginawa niya. Araw-araw niya pinupuntahan ang puntod ni Nick, laging may dala na paborita niyang pagkain na " Bituka nang manok or Isaw " 




At dyan nagtatapos ang aking munting kwento. 
 Sana magustuhan nyo! ^_^   


THIS IS BASE ON A TRUE LIFE EXPERIENCE.MADE BY: GREGG NAMIN 

0 comments:

Post a Comment