Pages

Binata Part 2

Makalipas ng dalawawng araw, nanatiling nakasilip si Jonathan sa kanyang bintana, nakikita pa rin niya ang bisikleta ni Allyna. Pero hinde katulad noon na sa bawat pagtingin niya dito saya ang dinudulot nito, ngayon hinde pa rin siya makapaniwala sa lahat na nangyari.

“Jonathan?, gusto mong sumama?, pupunta kami ng Tatay mo Kina Mr. at Mrs. Samaniego? Tanong ng kanyang Ina..

Nanatili pa rin siyang nakatingin sa bintana at hinde kumikilos, Lumapit ang kanyang Ina at saka sumilip din ito sa bintana.
Napatingin si Jonathan sa kanyang Ina saka, pinahid angl kanyang mga luha.

Kitang kita ni aling Aida, ang lungkot at sakit na nadarama ng kanyang Anak, nahabag siya dito at saka niyakap.

“Hinde pa naman huli ang lahat Jonathan, maari mo pa naman masabi kay Allyna ang nilalaman ng iyong puso”

Napa-alpas siya sa pagkayap sa kanyang Ina, at saka tumingin muli sa bahay nina Allyna.

“Paano Nay?…… hinde na niya ito maririnig… wala na siya… wala na siya!!” sagot nito.

“Hinde nga niya ito maririnig, pero mararamdaman niya ito!!... [author-Adelaine Yawyawil/ facebook.com/MKNPBYAY ]Kailangan mong masabi ang lahat ng nilalaman ng puso mo.. para kahit papaano, maibsan ang nararamdaman mong sakit” umiiyak na rin si Aling Aida, at sa pagtingin muli ni Jonathan sa Ina, niyakap niya ito.


Sa pagpasok nila sa bahay ng mga Samaniegos, lumapit ka-agad siya sa bike ni Allyna, dahan dahan niya itong hinawakan, Una niyang hinawakan ang manibela nito saka niya hinawakan ang upuan nito, bigla niyang na-alala ang isang pangyayari ng biglang napasigaw si Allyna, ng biglang bumababa ang upuan ng kanyang bisikleta, [author - Adelaine Yawyawil] napatawa siya sa nakita. Napangiti siya sa kanyang naalala hanggang may tumawag sa kanya..

“Halika sa loob Jonathan” si Mr. Samaniego… , nagtaka siya bakit siya kilala nito, pero nanatili siyang nakayuko at sumunod pumasok sa loob.

Kaunti lang ang tao sa loob ng bahay kung saan nakaburol si Allyna. Noong una, hinde niya kayang tumingin sa kabaong ni Allyna. Nanatilli siyang nakasandal sa may pintuan at pilit na pinipigil ang pagtulo ng kanyang mga luha hanggang….

“Ikaw pala si Jonathan?” si Mrs Samaniego na siyang pagtataka nito kung bakit siya kilala..

“Ako nga po… bakit po?.... at bakit ninyo po alam ang pangalan ko?” tanong niya na maya halong pagtataka.

“Halika, puntahan mo si Allyna…”

Nagtaka man siya, hinde na din siya nagtanong, Nahiya naman siya kaya kahit ayaw niyang lumapit ay lumapit pa din siya Kay Allyna.

Hinga siya ng hinga ng malalim para mapigilan ang pagtulo ng kanyang luha, hanggang nagsalita ang Mommy ni Allyna..
“Alam mo bang, lagi ka namin pinagkwekwentuhan ni Allyna?” bigla siyang napabuka ng bibig at nasa mukha niya ang pagtataka…

“Tuwang-tuwa sa iyo ang anak ko… alam mo bang hinde siya lumalabas ng bahay hanggang hinde ka niya nakikita sa may bintana ng bahay ninyo?” pagkwento ni Mrs. Samaniego[author-Adelaine Yawyawil/ facebook.com/MKNPBYAY ]

“Ano pong ibig ninyong sabihin?” tanong niya..

Tumingin si Mrs. Samaniego sa kanya at ngumiti ito..

“Noon pa lang, bagong lipat kami dito, nakita ka na ni Allyna, wala siyang tigil maghapon sa kakawento tungkol sa iyo. Nalaman nga lang niya ang pangalan mo ng minsan marinig niya na tinatawag ka na ng kaibigan mo, tuwang tuwa si Allyna,.”

“Sa bawat umagang pamamasyal niya, sa kanyang bisikleta, saya ang dulot nito sa kanya, dahil nakikita ka niya.. Naalala ko noon, isang araw napansin kong malungkot siya, tinanong ko kung bakit, at kung bakit hinde siya natuloy mamasyal… [author-Adelaine Yawyawil/ facebook.com/MKNPBYAY ]ang sabi niya, Hinde ka daw niya nakita sa may bintana, kaya hinde siya natuloy sa paglabas.. siguro iyon yung panahon na may sakit ka ata?” pagpapatuloy ni Mrs. Samaniego

“Bakit po ninyo, sinasabi sa akin ang lahat ng ito?” tanong ni Jonathan.

Tumingin si Mrs Samaniego kay Jonathan at saka niyakap ito. Nagtaka man si Jonathan sa ginawa ni Mrs Samaniego niyakap na lang din niya ito.

“Ito ang huling habilin ni Allyna, sa akin, na kung maari nga daw na yakapin kita, para sa kanya….” Si Mrs. Samaniego sabay iyak nito.

Hinde na napigilan ni Jonathan ang mapai-yak na siyang higpit nito sa pagyakap.

“Alam mo bang mahal na mahal ka ng anak ko?”

Sa pagkarinig niya ng huling sinabi ni Mrs. Samaniego, doon bumuhos lahat ang luha niya, hinde niya akalain na ganun pala ang tingin at nararamdaman ni Allyna sa kanya.. Hinde niya akalain na sa isang saglit na pagtingin nila sa isa’t-isa noong bagong dating nito, doon nagsimula ang lahat-lahat.

“Mrs. Samaniego…. Mahal ko po rin si Allyna” sagot niya..

Napa-angat ng tingin si Mrs. Samaniego at saka ngumiti, sabay yakap muli nito kay Jonathan.

0 comments:

Post a Comment