Pages

Binata Part 1

Part 1

“Aaaah…. Late na ako!” sigaw ni Jonathan, dali-dali siyang bumangon at tumungo sa kanyang bintana.

Huminahon lang siya ng makita niya na nanduon pa din ang bisikleta ni Allyna. Tumingin siya muli sa orasan 6:30, at saka tumingin muli sa may bintana.

Sa pagtingin niya dito, nakita niya ang paglabas ni Allyna sa kanilang pintuan. Nagtago siya ng bahagya dahil ayaw niyang makita siya ni Allyna.

Hinde niya maintindihan ang kanyang sarili dahil tuwing nakikita niya si Allyna, parang bumibilis lagi ang tibok ng kanyang puso. Walang araw siyang pinalalampas para makita lamang si Allyna.

Habang palayo ito ng palayo na siya naman sunod ng kanyang ulo hanggang nawala na lang ito.

Doon lagi nagsisimula ang buhay ni Jonathan.

Kinabukasan

Maaga siyang nagising, sa katunayan nga ay nakaligo na siya at nakapag-ayos.[author-Adelaine Yawyawil/ facebook.com/MKNPBYAY ] Sa pagtingin niya sa bintana, napangiti siya sa pagtingin sa bisikleta ni Allyna. Kumuha siya ng upuan at kape saka muli tumingin sa bintana.

Pero takang-taka siya dahil mag aalasiyete na ay hinde pa rin lumalabas si Allyna. Naubos na din ang iniinom nyang kape ay hinde pa rin niya nakikita ang hinahangahan niyang babae, hinde na siya mapakali, napatayo siya at paikot-ikot sa kanyang kwarto habang nakatingin pa rin sa bintana.

Bababa na sana siya ng may narinig siyang ingay… sa pagsilip niya muli ng bintana, kinabahan siya ng may pumaradang ambulansya s tapat ng bahay nina Allyna, Lalu siyang kinabahan ng hinde niya makita si Allyna.

Nagkakagulo na sa tapat ng bahay nila, maraming tao na din ang umuusyoso, hanggang lumabas ang mga nurse galing sa bahay nina Allyna, nakita niya na tumatakbo din ang Daddy at Mommy ni Allyna, at nakakapit kamay sa babaeng nakahiga sa stretcher.

Napahawak sa dib dib si Jonathan sa mga nakikita niya, bigla siyang nanlambot nang makita niyang si Allyna ang siyang nakahiga sa stretcher..[author-Adelaine Yawyawil/ facebook.com/MKNPBYAY ] Nagmadali siyang bumaba para makita ito ng malapitan, ngunit sa paglabas niya sa kanilang bahay ay naka-alis na ang nagmamadaling Ambulansya.

Hinde namalayan ni Jonathan, ang pagpatak ng kanyang luha nanatili siyang nakatayo sa gitna ng daan at nakatingin sa dinaanan ng ambulansya. Nasa mukha pa rin niya ang pagkabigla, at pag-alala.


Sa pagpasok niya sa kanilang bahay, hinde pa rin siya mapakali, nagkunwari siyang may sakit kaya hinde siya pumasok ng school. Nanatili siyang nasa bintana, at hinihintay ang pagbabalik ni Allyna.

Dumaan ang maghapon, kahit anino ay wala siyang nakita. Sobrang takot at pag-aalala ang namamayani sa kanyang puso, hanggang nakatulugan niya ito,

Sa pag-gising niya, narinig niya ang pagbukas ng gate ng bahay nina Allyna, bigla siyang napabangon at sabay tumingin sa bintana.[author-Adelaine Yawyawil]

Nakita niya ang Daddy ni Allyna, na inaayos ang bisikleta ng Anak. Saka ito pumasok ng bahay. Nag-alala pa rin sya dahil kahit anong bakas ni Allyna ay wala siyang nakita.. Nalungkot muli ang kanyang mukha hanggang nakita niya muli ang Daddy ni Allyna, na kinakalas ang bisikleta ng anak.

Sobra na siyang nagtataka at hinde mapakali hanggang narinig niyang nag-uusap ang kanyang Tatay at Nanay.

“Nakakaawa naman si Mrs. Samaniego… .. hinde ko akalain na may sakit pala ang kanyang Anak, napakaganda pa naman nito at napakabait” ang Nanay ni Athan

“Ganyan talaga ang buhay, Aida…. Hinde mo talaga masasabi kung ano ang mangyayari” sagot ni Paeng ang tatay ni Athan…

Biglang natigilan si Athan, sa narinig niya, bumaba siya at tinanong ang kanyang mga magulang..

“Ano pong nangyari?” tanong niya..

Nagulat man ang Nanay at Tatay niya at nagkatinginan, lumapit ang tatay niya sa kanya tsaka pinatong ang kanang kamay nito sa kanyang balikat.

“Kilala mo ba ang anak nina Mrs. Samaniego?, yung katapatbahay natin?”

“Bakit po? Ano pong nangyari?” takot na takot na si Athan.

“May sakit pala ito, kaya tinakbo sa Hospital kahapon, pero….. huli na sila at sa daan pa lang ay nawalan na ito ng hininga” pagpapattuloy ng kanyang Ina.

Napa-atras si Jonathan sa narinig, at nanlambot ang kanyang mga tuhod. Tumakbo paakyat si Jonathan sa kanyang kwarto at sumilip muli sa bintana.[author-Adelaine Yawyawil/ facebook.com/MKNPBYAY ]
Nakita niyang, napa-upo ang Daddy ni Allyna sa kanilang garahe habang yakap-yakap nito ang bisikleta ng anak.

Hinde malaman ni Jonathan, ang sakit na nadarama niya, napasapo siya s kanyang kanang dibdib. Ramda na ramdam niya ang sakit at hapdi sa nalamang balita, tungkol sa pinakamamahal niyang babae. Hinde na rin niya namalayan, ang pagbuhos ng kanyang mga luha, napatalikod siya at napasandal sa bintan at dahan dahan napa-upo habang nakaub-ub sa kanyang mga tuhod.

Pagtataka naman ang nasa mukha ni Mang Paeng ng lumapit ito at makita ang kanyang anak.

“Jonathan?” tanong niya sabay upo din nito sa tapat ng anak.

“Tay……. Ang sakit-sakit Tay…. Ang sakit-sakit” sagot niya

Nagtaka man si Mang Paeng, pero nahuhulaan na niya kung bakit nagkakaganito ang kanyang anak.

“Wala na siya Tay….. wala na siya…. Hinde ko pa nasasabi sa kanya…… kung gaano ko siya kamahal… Tay…..” si Jonathan, naka ub-ub pa din ito at nakaupo.

Bigla naman nahabag ang si Mang Paeng, sa kanyang mga narinig.. [author-Adelaine Yawyawil/ facebook.com/MKNPBYAY ]Nasaktan din siya dahil sa nakikita niyang pag-iyak ng kanyang anak. Pero wala siyang maisip sabihin na makakagaan sa loob nito, kaya nanatili siyang tahimik.

“Tuwing umaga….. inaabangan ko ang pag-labas niya, ibang saya ang nadarama ko dulot ng bawat araw na nakikita ko siya. Paano na ngayon?.... wala na siya… wala na si Allyna!!!!”

“Jonathan?.......” ang tanging nasabi ni Mang Paeng na siyang yakap nito sa anak na siyang pagyakap din nito sa Ama.

0 comments:

Post a Comment